followers

Wednesday, June 2, 2010

club serene resort

puyat sa outing..
dahil sa biglaan lakad, nagkaroon ng biglaan outing ang barkada at naisipang magswimming. maharil dala ng stress sa trabaho ay kailangan mag-unwind at magrelax kahit papaano.

saturday morning nakaset ang lakad at dahil restday ako nun ay minarapat ko na lang na humabol sa resort dahil sa late na ako nagising. bandang rizal lang ang venue, dahil sa hindi ko kabisado ang rizal at marikina area ay nagtaxi ako mula sa cubao hangang sa tikling, rizal. 300 ang deal ng madaldal na taxi driver na nasakyan ko (na kung sa jeep ako sumakay ay 25pesos lang pala). sa sobrang trapik at layo ng lugar ay naikwento na niya ang buhay niya ng siya ay binata pa, tipong nakikipag-eyebol pa sa mga ka-penpal niya. less than an hour ko narating ang tikling at isang trike ride na lang papuntang club serene resort sa halagang 9pesos.  

public resort ang venue at me karamihan na din ang tao dito, hapon na nun at nag-uuwian na ang iba (mas dumami ang tao ng mag-gabi na). ako nama'y dirediretso na lang pumasok sa loob ng walang sumisita o ano man dahil sa paghahanap ko sa mga kasama kong kanina pang umaga nandun. nalaman ko na lang na mayroon entrance fee pala. 200 for overnight swim at 100 for day swim. ayos! nakalibre ako :D

aircon room ang nakareserve para samin, me sariling toilet/bathroom na ito. good for 4-6 pax for only P3,000 at 24 hours na iyon. not bad, mura na considering na ovenight kami from 10am to 10am the next day.

sa food naman ay malapit lang ang tikling, 1 trike away kung saan me fastfood kang mabibilhan o di kayang inihaw na chicken (un ang naging hapunan namin).

ok lang din ang facilities nila. 3 yata un pool (hindi ko na napuntahan lahat dahil inuman session agad matapos ang dinner). meron din playground at malinis din ang mga rooms. un lang ang mga nakita ko. check nyo na lang un website nila sa baba for further info and pictures ng nasabing place.

http://clubserene-resort.com/