followers

Tuesday, March 15, 2011

UPDATES...

its been a while since my last post at madami akong na-miss iblog. dahil sa dalawang rason na ito: puyat ako or tinatamad ako (mas marami un kadahilanang puyat ako, hehehe..)

kaya naman, narito ang mga pangyayari at mga bagay-bagay sa nagdaang araw at nakalipas na lingo na minarapat kong gawan ng blog entry ngunit dahil sa katamaran kapuyatan ay hindi ko nagawa.
  • hot air balloon, clark pampanga - after ng shift ay dumeretso agad sa clark pampanga para sa event na ito na biglaan na lang naisip ng makukulit kong barkada. first timer kaming lahat sa event na ito at walang kaalam-alam kaya naman ay natrapik ng sangkatutak dahil 5am ang call time at nakarating ng mabalacat toll gate ng past 6am kaya dagsa ang sasakyan naipon sa toll gate at sa mismong entrance ng event na ginawa na yatang parking lane. ang resulta, malayong lakaran mula sa parking papunta sa main gate. ang naabutan na lang namin, 3 hot air balloon sa lupa (kabababa lang yata dahil sabi nila, 3am yata ang simula) at pulutong ng mga maliliit na airplanes (hindi ko alam ang tawag sa kanila pero mga 2 tao lang ang laman). sa loob ng event ay makikita ang sari-saring booths ng kung ano-ano at kung sino-sino. 10am pa lang nun at sobrang init na tila tanghaling tapat ang sikat ng araw, dagdag pa ang mga siksikan ng mga tao.
  • zoobic safari, subic - dahil nabored sa hot air balloon, minarapat naming lumipat at napagkasunduang sa subic gumala. saktong may booth ang zoobic safari kaya naman napagtripan ang maging elementary skul kids at magfield trip sa zoo. i'ved already been to the zoobic safari dahil isa ito sa mga destination noong nakaraan summer outing ng company namin pero i'd still agreed na ito ang puntahan namin dahil majority wins, talo ako sa botahan. wala din namang nagbago mula noon, same attractions, same tigers, same same. may mga bagong animals lang yata and they have this group discounts kahit hindi peak season. may bago pala, i did read their 'safari by night adventure'  which hindi ko din alam kung ano, siguro ay night trip dahil sa pangalan nito, hehehe.. tip: sumunod sa tour guide ng may mapulot ka namang kaalaman at hindi lang makipagkwentuhan sa katabi.
  • US TV series marathon - ilang TV series na din ang natapos kong panoorin at nag-aabang na lang ng mga bagong episodes. sa wakas ay updated na ko sa mga ito: how i met your mother, the big bang theory, outsourced, glee, the walking dead, fringe (currently tinatapos pa ang season 2 til 3).. and more to come: chuck, smallville, raising hope, sh*t my dad says.. gagawa ng separate entry for my fave tv series, pramis!
  • movie marathon - iilan pa lang ang natatapos kong panoorin (the green hornet, scott pilgrim vs the world, megamind, 127 hours, gullivers travel, unstoppable) na pinaglagpas ko sa sinehan at kailangan ko pa din magmarathon para sa iba pa (black swan, tron legacy, yogi bear, little focker, etc.)
  • plants vs zombie, angry birds at kung ano-ano pang games na pampalipas oras
  • gala, alis, lakad, tambay, malling, kain, inom, etc.
  • magtrabaho - baka akalain ninyo ay puro pasarap lang sa buhay ang ginagawa ko, hindi naman, may trabaho din akong kailangang pasukan
  • paghahanap ng fire escape

7 comments:

  1. tamad ka lang talagang magpost~
    tapos nagmamarathon pa sa oras ng shift~

    ReplyDelete
  2. @khanto - basta fire escape..may ngcomment pala sa prev post ko at ngttnong ng number ng 3B resort.meron k b nun?
    @spiderham - hindi naman. pagwork, work lang. hiwalay ang business sa pleasure.hehehe..

    ReplyDelete
  3. literal na fire escape? san ka nanonood ng movies, galing sa DND?

    ReplyDelete
  4. hahaha.. fire escape.. anjan lang sa tabi tabi yun.. talagang isang bagsakan huh hindi mo man lang ginawan ng entry isa isa..

    ReplyDelete
  5. hahahahaha... tamad nga este puyat nga talaga kaya di na ginawan ng entry isa isa.. bwahahahahahahahahahahaha

    ReplyDelete
  6. @whattaqueso - basta fire escape..sa DND nga galing yan mga movies
    @babaenglakwatsera - puyat nga kaya isang bagsakan n lng un post, hehehe..
    @khantotattoo - tama! :D

    ReplyDelete