march 20, 2011/sunday
|
the conception town |
|
the boat ride to sandbar island: hapon na ng marating namin ang sand bar island. mga 30mins yata ang boat ride from concepcion to the island. |
|
ang kanilang welcoming committee, mga askals (not the football team but literal na kamag-anak ni hatchiko) |
|
a long stretch of fine sand na nawawala pag high tide na |
|
lowtide tuwing hapon, hightide sa gabi, lowtide sa umaga, hightide sa tanghali at balik lowtide sa hapon |
|
a refreshing view of the beach and its fine sand :) |
|
wala munang activities sa araw na yon kaya relax mode at swimming muna |
|
sky turns red during sunset (ito na lang naabutan kong piktyuran dahil iniwan sa cottage ang camera habang nagsiswimming at todo takbo kami para ma-capture ang red sky) |
wala nga palang electricity sa island and it is powered by solar generator only kaya naman tuwing 5pm-10pm lang me kuryente sa island and that is the only time na pwede kang magparecharge ng battery ng inyong mga gadgets kila kuya sonny. lights out at 10pm pero naiwan nakasindi ang ilaw sa cottage nmin dahil kami lang naman ang guest sa island on that day.
|
madilim na sa paligid pero nagliwanag dahil sa picasa. hehe.. |
night falls and diner was server, adobong manok and itlog ng maalat with kamatis (bought from concepcion market bago kami pumunta ng island) which is cooked for by ate remilyn (200php bayad sa paluto) na sobrang sarap magluto ng adobo kaya naman nakalimang plato si mapanuri, takaw! hahaha. wala na kaming magawa kundi magrelax, tumunganga sa super moon (dahil super moon day nung gabing un) at mag-night shoot (magsawa sa kakagawa ng pangalan ala long-exposure). puro parenthesis, magsawa kayo :D
march 21, 2011/monday
|
wake up a bit late but was able to capture the sunrise |
|
habang hinihintay maluto ang breakfast, nagpiktyuran muna dahil low tide nanaman at nagsilabasan na ang mga corals sa isang part ng island |
|
pagbalik sa cottage, handa na ang breakfast : scrambled egg, sunny side up, at ang natirang ulam kagabi, itlog na maalat with kamatis at ang chicken adobo |
|
picture ulet habang hinihintay ang bangka para sa island hopping |
|
island hopping starts at trivia mula kay kuya sonny na pinatay talaga ang makina ng kanyang bangka para lang sabihin na ang mala-bahay kubo na yan ay binabahayan ng dugong |
|
1st stop: tambaliza island kung saan nandoon yung bundok sa left na tila may inaalay daw sabi ni jan dahil laging may ulap un tuktok |
|
close up view nung bundok na may nag-aalay sa tutok, ang pan de asukar. nawala na un ulap nang marating namin ito, 30mins yata ang layo nito mula sa sandbar. |
|
magtatanghali na nang marating namin ang tambaliza pero kailangang makabalik sa concepcion ng 1pm dahil 7pm ang flight namin pabalik ng manila kaya naman nagikot na lang kami sa island at nalaman ni kuya sonny na mayroon bundok na pwedeng akyatin, ang hampangan rocks |
|
|
napakatarik! first time lang din kasing akyatin ni kuya sonny itong bundok na to kaya ang daan namin paakyat ay un pinaka mahirap pa. by the way, hindi si kuya sonny ang kasama ni mapanuri sa pic na yan, si kuya ____, forgot the name, na isa sa aming boatman. |
|
a view from the top. hampangan means laruan dahil according to the locals, noong bata pa sila, trip nilang akyatin ang hampangan rocks at mayroon daw sunga doon na kanilang nilalaruan pagnagccutting classes sila (joke lang un cutting classes) |
[pictures end here dahil low batt ang aking phone which im using to take pictues]
matapos ang matarik na pag-akyat, may daan naman palang mas safe kaya doon na lang kami bumaba at nagdali-daling bumalik sa beach dahil kulang na ang oras. at dahil sa nagmamadali nga kami nakapag-swimming muna kami sa beach nitong tambaliza, hehe.. pagbalik sa sandbar island, magmamadaling magayos ng gamit para makabalik agad ng city. sa kamamadali namin, nagswimming muna kami sa beach for the the last time :D
our total expense on the sandbar island only cost 3300php, kasama na dito ang cottage fee, paluto ng food, boat rides, island hopping na hindi natapos, tubig pampaligo dahil seawater ang laman ng kanilang gripo at service charge. not bad for a 2-day/1-night stay.
after beach bumming and packing up our things, we headed back to conception then transfer to a bus going to the terminal then rode a jeep to jaro. quick stop at the famous biscocho house (tama ba spell?) for pasalubong then hire a cab going to the airport, just in time for our flight back to manila.
nakakabitin na iloilo trip ito and i hope i'll be able to come back again :)
balik na sa sandbar. pero di na ako aakyat sa bundok. hahahah
ReplyDeletenakaya mo namang akyatin un bundok na yun, tamang exercise din yun khanto, you lose 2lbs dahil dun, hehe..
ReplyDelete