isang araw sa isang convenience store na nasa ibaba ng isang office building na katabi ng isang ospital at isang electric company sa isang sulok ng ortigas kung saan malapit sa isang mall (sawa ka ba sa "isa"?).
ako: isa nga pong (yosi name) half pack
ate store keeper: ilang taon n po kayo ser?
ako: seryoso ka?
ate store keeper: opo, kailangan pong sumunod sa rules *sabay turo sa 'no selling of cigarettes to minors' sign*
ako: (insert age), gusto mo pa ng ID?
ate store keeper: mahigpit po kasi sila e
ako: *pinakita ang company id*
at wakas ay nakabili din ng yosi.
ako: isa nga pong (yosi name) half pack lang
kuya store keeper: ilang taon na po kayo?
ako: (insert age) *sabay pakita ng ID*
kuya store keeper: mahigpit po kasi e
ako: ok *no questions asked*
at bumingo sa pangatlong pangkakataon, kaya ko ito naisipang iblog.
same ate store keeper: gud mornin ser *nakangiting tila ba nang-iinsulto*
ako: (yosi name) half pack lang
same ate store keeper: ilang taon n po kayo ser? *nakangiting tila ba nang-iinsulto ulet*
ako: 16 pa lang *nakangiti na iinsulto ko siya*
ako: joke lang *sabay pakita ng ID*
same ate store keeper: ok po *nakangiting nang-iinsulto pa rin*
hindi ko alam kung kasabwat ba ng isang practical joke show ang convenience store na yun at may hidden camera o talagang trip lang nilang makipagtsikahan sa mga customers. baka nga naman talagang masunurin lang sila sa patakaran at ginagawa ng mabuti ang kanilang trabaho. o baka naman mukha talaga akong menor de edad. hmmmm, tingin ko un huli :D
