followers

Showing posts with label gimik night. Show all posts
Showing posts with label gimik night. Show all posts

Wednesday, March 23, 2011

fireworks!

'twas another inuman night with my college barkadas at napagkasunduang sa MOA gumala. sakto namang last day ng "World Pyro Olympics 2011" kaya naman magiging makulay ang langit sa gitna ng gabi..
tumambay sa UNO PIZZERIA ang mga early birds ng grupo as our meeting place dahil as usual, blogging late daw ako. almost late nga naman ako ng 2 hours sa call time pero better late than not there at all.hehehe.. kahit late na ako, may mas late pa sa akin kaya naman inumpisahan na ang inuman with a bucket of beer and pizza habang nagaantay sa mga paparating na pasaway :D by the way, there's a 300 consumable fee per head na kailangan bayaran agad. its nice to catch up on old friends and knowing what they are up to.
then the sky lights up with different colors and the firework display began. it was nice watching those fireworks na para bang bumabalik ang childhood days mo (maaga pa para magsecond childhood ako!). truly an amazing sight on the different colors and shapes that form on the sky. hindi ko nga lang alam kung anong bansa ba un nagcocompete nun araw na yun, basta ba enjoy ang panonood ng fireworks with inuman and kwentuhan on the side :) 
pasensya na at may nakaharang pang kamay ng katabi namin :D
matapos ang fireworks at makailang bucket ng beer, we decided to change venue doon kung saan mas mura dahil medyo nakarami na ang bill na bumubutas sa bulsa. lumipat kami sa bluewave which is a lot noisier dahil may live band playing on the center stage. tunay ngang mura ang inumin at food dito, good for those tipid budget gimik.
at bluewave - hindi ko kilala kung sino sila
till next puyatan ulet :D

Sunday, February 6, 2011

starbucks tagaytay


after taking a few drinks (sige na nga, nakarami na) on the wide range of bars sa night-life district ng tagaytay (don't know the name of the place basta malapit lang ito sa oliveros, 5-minute drive lang or pwede din lakarin), here's one coffee shop to wrap up the night!
been here twice at iba talaga ang hangin sa tagaytay, nakakaadik. yes, i will come back for more. plus the sight of the taal, nice!

nothing beats a warm coffee on a cold tagaytay mornight!

picture taken from their fb fan page:
http://www.facebook.com/pages/STARBUCKS-TAGAYTAY/282941898214

Thursday, October 21, 2010

3B RESORT

dahil sa bday ni khanto, bonggang birthday celebration ang idinaos sa isang resort sa antipolo kasama ng kanyang buong angkan at kaming kaofismates niya. hawaiian theme pala ang party pero hindi naman kami nasabihan dahil pauso lang daw un ng kapatid niya. anyways, after our shift, we then go to the place na may kalayuan din from our office.

3b resort

located sa nakatagong bundok ng antipolo, ang 3B resort na yata ang napuntahan kong murang resort sa antipolo. 5K for 12 hours, not bad. may 4 rooms which is good for 4 person each at kung pagkakasyahin ay kasya ang 7 person sa isang room dahil anim kaming nagsiksikan sa dalawang king size bed habang si bday boi naman sa isang single bed. kailangan lang daw na 1 month before ang reservation dahil madami yata ang nagpapareserve dito. mga 5 feet daw ang lalim ng pool, hindi na naming nagawang magswimming daw lunod na kami sa alak. akalain mo namang bacardi at grandma combination ang nakapagpatumba sa bday boi. complete with videoke na din ang place kaya sulit na sulit. meron 2 comfort rooms din, isa sa baba at isa sa taas na katabi ng mga rooms. astig din ang view dito, overlooking, lalo na pag gabi dahil kitang kita ang city lights. sayang lang at wala akong dalang camera to capture it at hindi din maganda ang resolution ng camera phone ko kaya itong blog ng bday boi ang tingnan nyo with pictures ng kanyang birthday celebration.

Sunday, October 17, 2010

Makansutra Asian Food Village and WhiteMoon Bar

continuation... 

makansutra asian food village 

located sa second floor ng manila ocean park ang makasuntra, medyo nkakaligaw lang hanapin ang escalator/elevator or ganun lang talaga pag first time mo sa isang place. as its name suggest, asian food ang specialty dito. hindi nga ako makapili ng kakainin dahil kakaiba ang mga names sa menu ngunit meron din namang pinoy food. affordable din naman ang meals nila ranging from 100 up at may group meals din na pagpipilian. kanya-kanya kami ng order and i ordered chicken blah blah (forgot the name). ok naman ang food plus the great ambiance. hindi nga lang asian look ang place (akala ko kasi asian village dahil sa nama nito) pero ok naman dahil spacious at may kalakihan din ang place. sa center nakalocate ang kitchen so makikita mo kung paano niluluto ang food. after diner, we decide to move sa katabing bar nito, ang whitemoon bar, kung saan open air na swak dahil yosing-yosi na ako..

white moon bar

an open-air bar that looks over the manila bay, astig! magandang spot ito for 'manila bay sunset' viewing pero gabi kami pumunta so no sunset view. ganun pa man, ok ang place wag lang umulan dahil lilipat kayo sa side kung saan me bubong. ganyan ang nangyari sa'min dahil umambon nun at no choice kami but to move sa gilid, comfy pa naman un couch nila na sarap tambayan habang nakikipagkwentuhan. for the drinks, i think same bar drinks ang kanilang offer at affordable din ang price. ndi ko lang masyadong natutukan ang price dahil enjoy ako sa place at music ng kanilang dj.
check out their facebook fan page:
http://www.facebook.com/pages/Manila-Philippines/WhiteMoon-Bar/125546214675

Mini-reunion, Reminisce, Manila Ocean Park, etc..

puyat sa gimik last friday.. 

dahil umuwi galing cebu ang isa naming classmate sa elementary, nagkasundo na magkaroon ng meet-and-greet ala grade school reunion. naging mini-reunion nga ito ng batch namin nun elementary dahil may mga first time na magkikita-kita after ng graduation namin nun grade school, at isa ako dun.
its been a while since makita ko ulet sila, dahil na rin sa hindi ko pagpunta kung meron man silang lakad sapagkat busy akong tao, hehehe..

manila ocean park 

ayon sa text message ng aming 'event organizer', sa makansutra village daw kami magkikita-kita sa 2nd floor ng manila ocean park na katabi ng quirino grandstand sa luneta park (yan, alam mo na kung saan matatagpuan ang place na ito). sabi pa ng mom ng kasama namin, "ano kayo, mga bata at sa ocean park pa kayo magkikita?", natawa na lang ako sa comment niya kasi nga naman ay kilalang pambatang pasyalan ito. tama nga naman siya dahil kasabay namin ang mga batang nagfifield-trip dito, buti na lang hindi ako napagkamalang classmates nila.hehehe...
i haven't been to manila ocean park since it open last year lang yata kaya ngayon ko lang nalaman na hindi lang pala puro isda at tubig ang makikita sa manila ocean park, mayroon din palang mini mall/shops, resto, bar, hotel (HOTEL H2O), etc. 

reminisce ...
sa makansutra resto kami nagkita-kita. mula sa mga gusgusing bata noon ay masasabi kong nag-evolve na kaming lahat into a well-repected individual, naks! karamihan sa kanila ang nag-iba na, as in ibang tao na sila kung ikukumpara mo noong sa mga paslit na batang nagtatakbuhan tuwing recess at walang pakialam sa mundo. yung iba nga hindi ko na mataandaan kung ano ba sila dati at kung naging classmate ko nga ba sila noong elementary. buti na lang, mayroon sa'min na nanatili ang memory sa pagiging grade school at complete details kung ikwento ang mga kaganapang nakalimutan ko na. nakakatuwang magbalik-tanaw sa nakaraan at makasamang muli ang mga taong naging parte ng iyong nakaraan :)


blog to be continued..

Thursday, September 9, 2010

tamang inom: central bbq


time out muna sa paglilista at gimik time na..last night ay nagkayayaan para icheck out ang isang place na mura daw ang inumin pati na ang food at tiyak na gagapang ka pauwi sa sobrang lasing. sounds intriguing, kaya naman after work ay nagtungo kami sa nasabing lugar.

located at madison square pioneer mandaluyong, wala ni isa sa amin ang may alam nun kaya naman ay nagtaxi na lang kami from our office (rockwell ortigas) to the said place. this took us 55php lang dahil sa boni station ng mrt lang pala malapit.

ok naman ang place, nasa dulong part nh madison square ang central bbq bar at medyo tago dahil ginagawa pa ang katabing lugar nito. open space ang lugar at nasa isang malaking tent lang yata un na candlelight lang which makes it dim na sawak lang sa informal inuman ambiance. malaki naman ang place at maraming table kaya hinding hindi kayo mawawalan ng pwesto.

dahil sa nakakacurious nilang description sa mga coctail drinks nila ay napagkasunduang no beer kami. sakto namang meron silang 2 plus 1 promo for the same price range lang. 180php ang isang pitcher at hindi sa pitcher nakalagay ang inumin kundi sa isang plastic bottle na parang jug pangbaon sa school, cool! we first order 2 squeeze me at 1 badboy. naging fave ko agad ang squeeze me, isang blue colored frozen cocktail na parang isa sa mga flavor ng koolaid, sarap na parang juice. para sa pulutan, hotdog worth 25php at masarap nga dahil grilled ang pagkakaluto. meron din sisig na fave nang combination ng alak, mojos with dip na mala large cut french fries, and their own version of streetfoods, ang isaw at ang buttman (chicken ass). we also tried their other signature drinks namely badgirl, surferboy, soco (isang choco base cocktail na parang mudshake, sarap), at ang nakapagpatumba sa amin, ang badtrip (isang traidor na inumin dahil masarap naman ang lasa kaso nasa huli ang tama). better try it to see what i mean.

total bill: 1,7++ php worth of 12 pitcher ng iba't ibang drinks, 5 sets ng pulutan, at walang humpay na saya at amats. i think i lost count of the actual number ng alak at pagkain. highly recommended for those who want to be wasted pero nagtitipid.

check out their menu at ang nakatuwang description ng kanilang drinks from this link:
http://www.centralbbqboy.com/menu.html 

their website: http://www.centralbbqboy.com/