followers

Thursday, September 9, 2010

tamang inom: central bbq


time out muna sa paglilista at gimik time na..last night ay nagkayayaan para icheck out ang isang place na mura daw ang inumin pati na ang food at tiyak na gagapang ka pauwi sa sobrang lasing. sounds intriguing, kaya naman after work ay nagtungo kami sa nasabing lugar.

located at madison square pioneer mandaluyong, wala ni isa sa amin ang may alam nun kaya naman ay nagtaxi na lang kami from our office (rockwell ortigas) to the said place. this took us 55php lang dahil sa boni station ng mrt lang pala malapit.

ok naman ang place, nasa dulong part nh madison square ang central bbq bar at medyo tago dahil ginagawa pa ang katabing lugar nito. open space ang lugar at nasa isang malaking tent lang yata un na candlelight lang which makes it dim na sawak lang sa informal inuman ambiance. malaki naman ang place at maraming table kaya hinding hindi kayo mawawalan ng pwesto.

dahil sa nakakacurious nilang description sa mga coctail drinks nila ay napagkasunduang no beer kami. sakto namang meron silang 2 plus 1 promo for the same price range lang. 180php ang isang pitcher at hindi sa pitcher nakalagay ang inumin kundi sa isang plastic bottle na parang jug pangbaon sa school, cool! we first order 2 squeeze me at 1 badboy. naging fave ko agad ang squeeze me, isang blue colored frozen cocktail na parang isa sa mga flavor ng koolaid, sarap na parang juice. para sa pulutan, hotdog worth 25php at masarap nga dahil grilled ang pagkakaluto. meron din sisig na fave nang combination ng alak, mojos with dip na mala large cut french fries, and their own version of streetfoods, ang isaw at ang buttman (chicken ass). we also tried their other signature drinks namely badgirl, surferboy, soco (isang choco base cocktail na parang mudshake, sarap), at ang nakapagpatumba sa amin, ang badtrip (isang traidor na inumin dahil masarap naman ang lasa kaso nasa huli ang tama). better try it to see what i mean.

total bill: 1,7++ php worth of 12 pitcher ng iba't ibang drinks, 5 sets ng pulutan, at walang humpay na saya at amats. i think i lost count of the actual number ng alak at pagkain. highly recommended for those who want to be wasted pero nagtitipid.

check out their menu at ang nakatuwang description ng kanilang drinks from this link:
http://www.centralbbqboy.com/menu.html 

their website: http://www.centralbbqboy.com/

No comments:

Post a Comment