followers

Showing posts with label personal. Show all posts
Showing posts with label personal. Show all posts

Saturday, October 20, 2012

ang blog kong napabayaan :(

August pa pala ang last na post ko dito. October na ngayon, anyare?!?

Busy. Busy. Busy.

Pipilitin kong mapuyat ulet nang magkaroon naman ng laman ang utak ko at maisulat ko dito.

Dumami na ang members/followers ng blog ko. October last year ng ma-reach ko ang 100 followers at ngayon may nadagdag na 39. Salamat at na-click nyo pa yung follow button. Pramis, ifo-follow back un mga nagre-request once may time. Bibili pa lang kasi ako ng relos sa tindahan. May nagtiyagang nagcomment din, maraming salamat po.

Tuesday, January 31, 2012

i shall return :)

matagal din akong nawala
pero pipilitin kong bumalik
medyo busy lang sa bagong work
lam nyo na, kailangan magpa-bibbo
trainee nanaman kasi
new environment
new experiences
new workmates
but same old puyatan :D
til next post..

- ang taong puyat

Saturday, October 29, 2011

100 followers!

Ang post na ito ay para pasalamatan ang mga larawan nasa itaas (pwede pang humabol kung wala kayo diyan, hehehe).
Isang daang taga-subaybay (kasalukuyang 101 na sila) na hindi ko alam kung bakit nila naisipan maging 'follower' ng isang taong puyat.
Gayunpaman, maraming salamat po :)

Friday, September 30, 2011

running through my head

funny how a certain place 
reminds you of a certain someone;
that certain look,
that certain smile,
that certain moment..


then the memories came rushing back,
memories that once was sweet,
memories that was always treasured..


those times when only you matter,
those times when everything is bright and shiny
in a world that you and I only exist..


missing,
longing,
then..
snap!


back to reality,
back to the fact that all is gone,
gone and always will be.
09/2011

Wednesday, July 13, 2011

haitus

- may refer to Recess (break) 
- Hiatus, a small difference in pitch between two musical tones (see Interval (music)
- Hiatus (linguistics), a phonological term referring to the lack of a consonant separating two vowels in separate syllables, as in co-operation 
- Hiatus (television), a break of several weeks or more in television scheduling 
- Hiatus, a discontinuity in the age of strata in stratigraphy
http://en.wikipedia.org/wiki/Hiatus


Ang mga kadahilanan kung bakit ito ang post ko ngayon:

 - magre-resign na sa current work at magiging official tambay after this week. nagresign ng walang malilipatan trabaho, wrong move ba ako?

 - kailangan ng pahinga mula sa stress ng lahat, category: tao, hayop, bagay, lugar, pagkain pangyayari, at iba pang ipapahula sa pinoy henyo


 - davao/gensan at palawan trip na hindi ko naplano ng maayos at sa mga susunod pang adventure, buti pa si dora na lakwatsera kahit walang pera.


 - hindi alam ang gagawin sa buhay, kailangan ko na yata ng restart button ng computer o mas malala, reformat na kailangan ko

...makapagyosi na nga lang, ang aking instant stress reliever

Sunday, June 19, 2011

happy father's day

a loving person,
a dear friend...

a great teacher
and a strict disciplinarian...

a good provider
and a responsible leader...

and most of all,
my dad.

happy father's day!
and to all dads out there :)
photo taken from google images

Sunday, June 12, 2011

Kayalaan 2011

Happy 113 Philippine Independence Day!

just a short post to greet all of you :)
oo, nakikiisa din ako sa pagdidiwang ng independence day natin kahit tulog ako buong araw nito dahil may pasok pa ako sa gabi (graveyard shift ako e)..
ikaw, pano mo ipinagdiwang ang araw ng kalayaan?
pic taken from google

Monday, April 25, 2011

nothing personal..

natapos na ang  holy week at wala pa din akong bagong post. ano nga ba ang kinapuyatan ko nitong semana santa? wala naman gaano!

thursday - work, work, work at gimik after work para sa birthday party ng kabarkada sa may cavite na inabot kinabusan ng
friday - tanghali na at dumetso pa sa isang drinking session sa moa na sarado naman dahil good friday nga ngunit nagbukas ang bars sa may seaside matapos lumubog ang araw kaya naman inabot ng madaling araw ng
saturday - at nakauwi ng 5AM na naging resulta ng aking pagtulog sa buong araw at gumising kinabukasan ng
sunday - 5AM para work, work, work nanaman kaya naman hindi na nakapagsimba kahit paulit-ulit na sinasabihang magsimba nila nanay, tatay, kapatid, pinsan, pamangkin, kapitbahay, alagang aso, pusa at mga butiki sa kisame.

ako ba'y katoliko? oo. hindi man ako sumunod sa nakaugaliang tradisyon tuwing mahal na araw, masasabi ko pa din na ako'y katoliko. kung may matanda lang sa bahay (mga tipong lola at lolo) at tiyak na ilang palo sa pwet ang inabot ko dahil dito.

parang nagiging religious na ang blog entry na ito. ipagpatuloy natin...
ano nga ba ang kahulugan nito sa ating buhay? hindi ko din alam. basta ang alam ko, ito'y nagsisimbolo ng  new life and hope (talking about easter sunday, tapos na holy week at easter sunday kahapon kaya focus tayo sa easter sunday. focus people!).

**muntikang ko nang matapos ito dahil sa distraction: 500 days of summer at ang madugong fake AV issue kaya heto ang parang pinaikling version :D

back to business..talking about new life and hope. sana nga there's still one for me, hoping for a new life? ehehe.. all i know is that people do spent the holy week in their own ways, sa maka-tradisyong paraan man o hindi. what is important is that we realize the cause and effect, the cause of why we celebrate this and its effect on our lives.
hope everyone had a meaningful lenten season :)

Tuesday, April 5, 2011

isang taon ka na? e ano ngayon..


naka-isang taon na pala ang 'blogging puyat' nang hindi ko man lang namamalayan.
my first post was dated april 2, 2010. so its now 1 year and 3 days old.
e, ano naman ngayon?

tulad ba ng tao ang blog na kailangang icelebrate taon-taon ang kaarawan nito?
kung may birthday party ang mga blogsite, saan ito gaganapin? may pagkain, games at mascot din ba?

nagdidiwang din ba ito ng debut?

so kailangang gumastos ang blogging puyat para sa birthday party nito?
i don't think so ;)

talaga nga bang april 2 ang eksaktong birthday ng 'bloggingpuyat'?
ano nga ba ang basehan ng edad ng isang blog site?
ewan ko. puyat kasi ako kaya pati mga tanong ko ay sinasagot ko din. hehehe..

>balik-tanaw<
naisip kong gumawa ng blogsite dahil sa peer pressure. oo, nabully ako ng mga kaopisinang blogger na mala-magnitude 8 sa pang-aasar.
seriously, isa lang yun sa mga dahilan kung bakit ako'y sumapi sa kulto ng pagbo-blog :D
at hindi ko na maiisip ang iba pang dahilan kung bakit ako ngayon ay blogger na.

marahil, natuwa ako sa mga mabuting bagay na dulot nito, namely:
- pampalipas oras habang idle sa trabaho
- pamalit sa facebook pagna-bored ka na sa kakalaro ng apps at kakacomment
- freedom of speech and all kinds of sh*t
- online journal dahil hindi na uso ang 'dear diary'
- expressing yourself at magpaka-emo
- meeting new people ala social networking site
- resulta ng maingay na isip at malikot na daliri
- bragging rights dahil may blogsite ka na!

bago maging 'bloggingpuyat' ang blogging puyat, isa muna itong 'thethingcalledblog.blogspot.com'.
ang korni ng pangalan kaya pinalitan ko na lang.
sakto namang lagi akong puyat nung mga panahon na iyon. at dahil sa kahit puyat, naisip ko pa din ang mga salitang palagi, blog, puyat kaya naman naubo ang blogging puyat.
partida men, puyat pa ako nyan. hahaha..

e, ano naman ngayon?

wala naman.
gusto ko lang ipaalam na isang taon na ang nakalipas,
at isang taon na din akong puyat,
at patuloy na mapupuyat dahil ako si bloggingpuyat!
photo taken from our iloilo trip

Saturday, September 18, 2010

25 years and counting...

now on my 25 years of existence, i never had any major major problem that is why im thankful to all those who became part of me because without you all, im not here. thank you thank you very much..
:D

Friday, April 2, 2010

first BLOG!

the thing called blog...

walang magawa, walang maisip, walang gustong gawin, wala, wala, wala..
ang mga nabanggit ay ilan sa mga dahilan kung bakit ko naisipan gawin ang blog entry na ito. matagal ko na din ninanais mag-blog dala ng pambubuyo ng aking mga kaofficemates na adik na adik sa blog at certified bully. ngunit, paano ko nga ba sisimulan ang aking blog? ano ang mga nilalaman nito? ano ba dapat ang i-blog ko?

first things first ay una: name..
dapat catchy at me dating. sa dinami-dami ng naisip kong pangalan ng aking blog e ito ang kinahantungan. parang walang dating, hindi din catchy at lalong hindi napag-isipan. dulot yata ito ng puyat o sadyang ganun lang ako mag-isip dahil mahal na araw ngayon.
TRIVIA: ang blog na ito ay nasimulan ng april 2, 2010 na kasalukuyang biyernes santo sa pinas.

next, susunod: nilalaman
dapat nga namang meron laman ang aking blog pero ang tanong, ano? sino? saan? kelan? paano? puro mga tanong na hindi ko naman alam ang sagot. ganito na lang siguro, ang nilalaman ng aking blog ay wala! bahala na ang mga masugid na mambabasa (kung meron man) na umunawa sa kung ano man ang kanilang mababasa dito, anything goes nga daw. dapat pala me warning sign dito, yung tipong 'park at your own risk'.

others
isang buong araw (kasabay ng aking trabaho) ang nagamit ko upang masimulan ang kauna-unahang blog entry na ito. hindi pa nga ako makapagdecide kung pure english o pure tagalog ang gagawin ko kaya anong petsa na ng masimulan ko 'to. ang resulta, taglish. e sa trip kong gawing taglish, walang basagan ng trip. saka, ano nga ba sa tagalog ang salitang "blog"? sa tingin ko e ginamit ko lang ang paraan kung saan ko maipapahayag kung ano man ang gumagambala sa malikot kong utak.

maintenance
tingin ko e responsibilidad ko ng magbuo ng blog everyday o di kaya every week. un para bang kailangan mong magluto dahil me naghihintay kumain sa iyong cafe world o di kaya e kailangan mong magtanim para meron kang aanihin sa farmville. ganun ako dapat kadedicated sa pagmemaintain nitong blogsite ko. kung gaano ako kaactive magcomment sa facebook, e sana ganun din ako sa blog na 'to para halos araw-araw ay meron daily blog entry ako. sana nga! wish me luck or better yet more money na lang.

bating pangwakas.. nawa'y hindi nyo na mapansin ang mali-mali kong spelling at grammar sa blogsite na ito. wala din capitalization at sobrang informal ang kinalabasan (inuulit ko, walang basagan ng trip). paunawa po lamang dahil hindi pa naman ako dalubhasa sa pagsusulat at wala pa akong award winning novel.
kaya sa mga susunod ko pang blog entry ay dahan-dahan naman sa paghuhusga dahil hindi pa end of the world.