december 16, ang araw kung saan na-uuso ang kung ano anong trip ng madlang pipol.
- umalis ng bahay tuwing madaling araw ng hindi naliligo
- matulog sa gilid o labas ng simbahan ng nakaporma
- pakikipagdate/eyeball sa madaling araw
- abangan ang kalabang gang para simulan ang gang war (meron nito sa amin)
- matulog ng mahimbing habang maingay na nanggigising ang kampana ng simbahan
ilan lang sa kung ano ano pang hiwaga ang bumabalot sa madaling araw. hehehe.. but what i'm really referring to is the pinoy tradition, simbang gabi.
matagal na akong hindi nakakapag-simbang gabi. naalala ko pa noon na lagi akong kinukulit ng aking nanay para gumising at magsimbang gabi. kahit halos isang hakbang lang ang layo ng simbahan sa bahay namin, ay tamad na tamad akong gumising para magsimba, masarap kasing matulog lalo na't malamig ang panahon. kaya naman, balik sa kama, pasaway kasi, at natutulog ulet kahit napaka-ingay ng kampana ng simbahan.
ngayon namang gusto ko ng magsimbang gabi ay hindi ko na magawa. sobrang aga kasi ng trabaho ko. saktong paparating ang december nang maging 5am shift ako. so wala ng siyam na araw ng: paggising ng maaga, maligo sa nagyeyelong tubig, makipagsiksikan sa dami ng tao sa simbahan, tumayo ng tuwid kahit inaantok habang nagmimisa, kumanta ng chrismas songs after ng misa, at kumain ng masarap na puto bumbong at bibingka pagkauwi. nakakamiss na pala..
sabi nila, kapag nakumpleto ang buong simbang gabi, magkakatotoo ang pinakamimithi mong hiling. may nakapagsabing totoo nga, ang iba naman ay hindi. hindi ko rin ito napatunayan dahil 5 out of 9 pa lang ang record ko. hindi rin ito ang dahilan kung bakit ako nagsisimbang gabi, sa totoo lang, wala akong maiisip na dahilan. dahil nga ba nakaugalian na ito sa amin bahay o isa ito sa bonding moments naming pamilya o nakikiuso lang at sumasabay sa kung anong gawain ng pinoy tuwing kapaskuhan. marahil. siguro. baka nga. pero hindi ko talaga alam. ang tanging masasabi ko lang ay nakakagaan ng loob pagkatapos ng simbang gabi. faith? ewan ko lang, try mo :)
kung ano man ang iyong dahilan sa pagsi-simbang gabi, wag sana natin kalimutan ang dahilan sa likod ng tradisyon ito. merry christmas!
picture taken here