followers

Monday, March 28, 2011

riverside, la paz batchoy at city proper (ang iloilo trip part 2)

after magkape, nagpatuloy na sa iikot ng iloilo ang grupo.

riverside boardwalk


just a few blocks away from smallville is the riverside boardwalk kung saan may bars and resto din na pwedeng pang-hang out or you may just walk (or run kung trip mo) on the riverside na according to jan ay jogging area din tuwing umaga at hapon. its a kilometer long, parang 1.1km yata (forgot the exact digit) sabi ni nick, ang isinamang tourguide ni jan. saktong exercise venue din ito sa mga health buff dahil makaround trip jog ka lang sa haba nito ay tiyak na tagaktak na ang langis mo sa katawan.
iba talaga ang hangin sa iloilo, sarap tumambay sa riverside
salamat kay picasa at lumiwanag ng konti ang madidilim kong pics
ted's la paz batchoy


after the almost-two-kilometer-walk, kain ulet ang ginawa namin and this time we tried the famous la paz batchoy kung saan sa iloilo daw talaga nag-originate. ted's la paz batchoy is open 24 hours at malapit lang ito sa smallville at riverside, so perfect place para magrelax at magpaalis ng amats after gimik. this is the best tasting la paz batchoy na natikman ko sa buong buhay ko. exaggeration ba? kailangang mong masubukan to find out what i'm saying about. plus, pedeng magpa-refill ng sabaw and additional chicharon for free.
here's what i ordered: a batchoy and a can of coke zero
it was  at almost 2am when we then head back to our hotel to wrap up the day dahil kinabukasan ay iikutin pa muna namin ang iloilo city proper then head to concepcion to go to the sandbar island.


march 20, 2011/sunday


9:00am nang kami'y nagising and when out for a quick breakfast, ligo, packed up para handa na to go to the next destination after going outside to explore the iloilo city proper. here are few of the pictures i took using my camera phone.
syempre, hindi mawawala ang city hall
katabi ng city hall ang kanilang museum which is closed on sunday
12:30pm when we head off to concepcion. mula sa city, took a jeepney ride to the bus terminal and hire a van going to sara for 100php. the van looks like its not going to make it through the night, 50/50 ang lagay niya pero kung humarurot sa highway ay daig pa ang patok na jeep ng cubao. matatag sa rough road na kokonti lang naman (naimpress ako dahil concrete na lahat ng daanan sa iloilo) at umo-overtake pa ito. sayang lang at hindi ko napiktyuran para makita nyo kung gaano hindi na aabutin ng sikat ng araw ang van na ito, hehehe..
3:25pm when we arrived at sara then took a jeepney ride to concepcion which cost 15php. sa concepcion kami makikipag meet kay kuya sonny (ang contact ni mapanuri sa sandabar) para ihatid kami sa island. continued on the next post..

Thursday, March 24, 2011

ANG ILOILO TRIP

another promo fare was booked and this time we're off to ILOILO!

march 19, 2011/saturday

a day before our scheduled flight sa zest air, nasabihan na kami na delayed for 20mins which was supposed to be at 4:50pm. since galing pang-shift si mapanuri, napagkasunduan sa office na lang ang meeting place namin nila khanto ng 2pm. we then arrived at domestic airport at around 4pm. after checked in and waiting for the 5:10pm flight, it was announced na delayed nanaman for an hour due to blah blah blah (hindi ko na inintindi ang reason na sinabi nila over the speaker dahil isang oras nanamang hintayan un). dahil sa gutom, we went outside the airport to grab a quick snack sa jabee dahil tipid mode muna.
5:30pm when we get back to airport at kaming tatlo na lang ang hinihintay ng plane, napa-aga daw ang delayed flight. it was almost an hour plane ride to iloilo at gabi na ng makarating kami dun. taxis were the only available way to get to the city proper from the airport which will took about 20mins. natest nanaman ang bargaining skills ni mapanuri at from 500php fare, nakahanap siya ng 400php to get us to our hotel.
century 21 hotel

8:30pm when we check in at our hotel and sulit ang bayad dito. for 1,400php overnight stay, you get an air-conditioned room with 3 beds, a bathroom with hot and cold shower, and cable TV. plus its located within the city proper making it easily accessible to tourist/travelers. it is also near to a mall so pedeng kumain na lang sa isang fastfood chain tulad ng ginawa namin for breakfast the following day dahil namahalan kami sa food nila.
after magsettle ng gamit, nahiga at nakatulog ng kaunti habang hinintay si Jan, dating kaofficemate na taga-iloilo din. siya dapat ang magtotour sa'min pero tourista din pala ito kaya nagpasama sa kanyang katropa upang maikot namin ang iloilo. first stop, smallville.

smallville

pasensya na madilim, camera phone lang kasi gamit ko :)
isang night-life district ng iloilo which is 10mins away from the city. ang favorite hangout ng mga mahilig gumimik. ito yata ang katumbas ng metrowalk o eastwood ng manila night-life pero masasabi kong mas masarap gumimik dito. i'm not sure if its the ambiance, the people or the atmosphere which is basically the same scenario sa mga bar at gimikan sa manila. iba lang yata talaga ang hangin sa iloilo, hehehe.. also, i do not know why its called smallville, hinahanap ko nga ang kent farm pero wala naman akong nakita :D
some of the bars at smallville - thanks to khanto for this pic
coffee break

since hindi naman kami manginginom, naisipang magkape na lang at sa coffee break kami dinala. wala pa daw kasing starbucks sa iloilo at coffee break na yata ang sikat na coffee shop dito dahil may nakita kaming ibang branch nito dito sa iloilo. nakakatakam ang display of breads and cakes nila at very affordable ang mga prices. an 80 pesos will get you a frapp or a cheesecake na.
i would recommend that you try this coffee break if ever you're in iloilo :)


continuation on the next post...

Wednesday, March 23, 2011

fireworks!

'twas another inuman night with my college barkadas at napagkasunduang sa MOA gumala. sakto namang last day ng "World Pyro Olympics 2011" kaya naman magiging makulay ang langit sa gitna ng gabi..
tumambay sa UNO PIZZERIA ang mga early birds ng grupo as our meeting place dahil as usual, blogging late daw ako. almost late nga naman ako ng 2 hours sa call time pero better late than not there at all.hehehe.. kahit late na ako, may mas late pa sa akin kaya naman inumpisahan na ang inuman with a bucket of beer and pizza habang nagaantay sa mga paparating na pasaway :D by the way, there's a 300 consumable fee per head na kailangan bayaran agad. its nice to catch up on old friends and knowing what they are up to.
then the sky lights up with different colors and the firework display began. it was nice watching those fireworks na para bang bumabalik ang childhood days mo (maaga pa para magsecond childhood ako!). truly an amazing sight on the different colors and shapes that form on the sky. hindi ko nga lang alam kung anong bansa ba un nagcocompete nun araw na yun, basta ba enjoy ang panonood ng fireworks with inuman and kwentuhan on the side :) 
pasensya na at may nakaharang pang kamay ng katabi namin :D
matapos ang fireworks at makailang bucket ng beer, we decided to change venue doon kung saan mas mura dahil medyo nakarami na ang bill na bumubutas sa bulsa. lumipat kami sa bluewave which is a lot noisier dahil may live band playing on the center stage. tunay ngang mura ang inumin at food dito, good for those tipid budget gimik.
at bluewave - hindi ko kilala kung sino sila
till next puyatan ulet :D

Tuesday, March 15, 2011

UPDATES...

its been a while since my last post at madami akong na-miss iblog. dahil sa dalawang rason na ito: puyat ako or tinatamad ako (mas marami un kadahilanang puyat ako, hehehe..)

kaya naman, narito ang mga pangyayari at mga bagay-bagay sa nagdaang araw at nakalipas na lingo na minarapat kong gawan ng blog entry ngunit dahil sa katamaran kapuyatan ay hindi ko nagawa.
  • hot air balloon, clark pampanga - after ng shift ay dumeretso agad sa clark pampanga para sa event na ito na biglaan na lang naisip ng makukulit kong barkada. first timer kaming lahat sa event na ito at walang kaalam-alam kaya naman ay natrapik ng sangkatutak dahil 5am ang call time at nakarating ng mabalacat toll gate ng past 6am kaya dagsa ang sasakyan naipon sa toll gate at sa mismong entrance ng event na ginawa na yatang parking lane. ang resulta, malayong lakaran mula sa parking papunta sa main gate. ang naabutan na lang namin, 3 hot air balloon sa lupa (kabababa lang yata dahil sabi nila, 3am yata ang simula) at pulutong ng mga maliliit na airplanes (hindi ko alam ang tawag sa kanila pero mga 2 tao lang ang laman). sa loob ng event ay makikita ang sari-saring booths ng kung ano-ano at kung sino-sino. 10am pa lang nun at sobrang init na tila tanghaling tapat ang sikat ng araw, dagdag pa ang mga siksikan ng mga tao.
  • zoobic safari, subic - dahil nabored sa hot air balloon, minarapat naming lumipat at napagkasunduang sa subic gumala. saktong may booth ang zoobic safari kaya naman napagtripan ang maging elementary skul kids at magfield trip sa zoo. i'ved already been to the zoobic safari dahil isa ito sa mga destination noong nakaraan summer outing ng company namin pero i'd still agreed na ito ang puntahan namin dahil majority wins, talo ako sa botahan. wala din namang nagbago mula noon, same attractions, same tigers, same same. may mga bagong animals lang yata and they have this group discounts kahit hindi peak season. may bago pala, i did read their 'safari by night adventure'  which hindi ko din alam kung ano, siguro ay night trip dahil sa pangalan nito, hehehe.. tip: sumunod sa tour guide ng may mapulot ka namang kaalaman at hindi lang makipagkwentuhan sa katabi.
  • US TV series marathon - ilang TV series na din ang natapos kong panoorin at nag-aabang na lang ng mga bagong episodes. sa wakas ay updated na ko sa mga ito: how i met your mother, the big bang theory, outsourced, glee, the walking dead, fringe (currently tinatapos pa ang season 2 til 3).. and more to come: chuck, smallville, raising hope, sh*t my dad says.. gagawa ng separate entry for my fave tv series, pramis!
  • movie marathon - iilan pa lang ang natatapos kong panoorin (the green hornet, scott pilgrim vs the world, megamind, 127 hours, gullivers travel, unstoppable) na pinaglagpas ko sa sinehan at kailangan ko pa din magmarathon para sa iba pa (black swan, tron legacy, yogi bear, little focker, etc.)
  • plants vs zombie, angry birds at kung ano-ano pang games na pampalipas oras
  • gala, alis, lakad, tambay, malling, kain, inom, etc.
  • magtrabaho - baka akalain ninyo ay puro pasarap lang sa buhay ang ginagawa ko, hindi naman, may trabaho din akong kailangang pasukan
  • paghahanap ng fire escape