followers

Tuesday, April 5, 2011

isang taon ka na? e ano ngayon..


naka-isang taon na pala ang 'blogging puyat' nang hindi ko man lang namamalayan.
my first post was dated april 2, 2010. so its now 1 year and 3 days old.
e, ano naman ngayon?

tulad ba ng tao ang blog na kailangang icelebrate taon-taon ang kaarawan nito?
kung may birthday party ang mga blogsite, saan ito gaganapin? may pagkain, games at mascot din ba?

nagdidiwang din ba ito ng debut?

so kailangang gumastos ang blogging puyat para sa birthday party nito?
i don't think so ;)

talaga nga bang april 2 ang eksaktong birthday ng 'bloggingpuyat'?
ano nga ba ang basehan ng edad ng isang blog site?
ewan ko. puyat kasi ako kaya pati mga tanong ko ay sinasagot ko din. hehehe..

>balik-tanaw<
naisip kong gumawa ng blogsite dahil sa peer pressure. oo, nabully ako ng mga kaopisinang blogger na mala-magnitude 8 sa pang-aasar.
seriously, isa lang yun sa mga dahilan kung bakit ako'y sumapi sa kulto ng pagbo-blog :D
at hindi ko na maiisip ang iba pang dahilan kung bakit ako ngayon ay blogger na.

marahil, natuwa ako sa mga mabuting bagay na dulot nito, namely:
- pampalipas oras habang idle sa trabaho
- pamalit sa facebook pagna-bored ka na sa kakalaro ng apps at kakacomment
- freedom of speech and all kinds of sh*t
- online journal dahil hindi na uso ang 'dear diary'
- expressing yourself at magpaka-emo
- meeting new people ala social networking site
- resulta ng maingay na isip at malikot na daliri
- bragging rights dahil may blogsite ka na!

bago maging 'bloggingpuyat' ang blogging puyat, isa muna itong 'thethingcalledblog.blogspot.com'.
ang korni ng pangalan kaya pinalitan ko na lang.
sakto namang lagi akong puyat nung mga panahon na iyon. at dahil sa kahit puyat, naisip ko pa din ang mga salitang palagi, blog, puyat kaya naman naubo ang blogging puyat.
partida men, puyat pa ako nyan. hahaha..

e, ano naman ngayon?

wala naman.
gusto ko lang ipaalam na isang taon na ang nakalipas,
at isang taon na din akong puyat,
at patuloy na mapupuyat dahil ako si bloggingpuyat!
photo taken from our iloilo trip

9 comments:

  1. base!
    happy birthday blogging puyat!
    papizza ka naman!

    ReplyDelete
  2. happy, yipey, yehey kaarawan bloggingpuyat! sana'y maraming puyat pa ang darating at sana'y mabusog mo kami sa iyong mga bagong kwento.. more power!

    ReplyDelete
  3. halos sabay pala tayo nagsimula mag blog. may ipopost din ako sa 1st year ng blog ko.

    \m/

    piz out

    ReplyDelete
  4. @spiderham- nakabase ka din. salamat. walang pizza, puyat kasi ako.hehehe..

    @khanto- salamat!

    @queso- sana nga nabubusog ka habang nagbabasa ng blog ko.kumain ka din habang ng babasa nito para totoong busog ka,hehe..more power to you din!!

    ReplyDelete
  5. @bulakbolero- advance hapi bday syo.

    @martin- salamat ka-blog!

    ReplyDelete
  6. sino kaya yung magnitude 8 na un??? magnitude 4 lang ako ha.. hindi halos ramdam.. haha

    More pag-PUPUYATs to come!

    ReplyDelete
  7. itago na lang natin sa pangalan jeffreyZ.hehehe..
    tnx jep!

    ReplyDelete