puyat sa eleksyon..
may 10, 2010 - ang kauna-unahang automated election sa pinas. bago pa man dumating ang araw na ito ay kung ano-anong kapalpakan na ang naganap na lalong nagpawala ng tiwala sa bagong sistemang ito. ngunit nasolusyunan din naman ito at sa wakas ay naidaos din ang makasaysayang automated election.
5 precints rolled into 1
ito ang dahilan kung bakit sobrang haba ng pila sa pagboto. tinatayang mayroon 200 registered voters sa isang precint. marahil sa limited PCOS machines ay pinagsama-sama na lang ang 5 precints, making it more than a thousand voters na magsisiksikan sa isang voting precint. ang solusyon nila: number system (kumuha ka ng number sa precint mo tapos hintayin mong matawag) at ang 8-minute limit sa bawat taong boboto. 10am kami pumunta sa school kung saan kami registered at talaga namang ang napakaraming taong gustong bumoto. dehydrated ka na sa init ng panahon, makipagsiksikan ka pa sa mga taong nakapila/nakatambay sa corridor habang inaalam mo ang precint number mo. buti na lang at nasabihan ako ng kapitbahay namin na parehong room kami sa bandang dulo. Dulo nga, kaya naman pawisan ako ng maabot ang voting precint ko.
ako: "kuya, penge po ng number"
nagulat sa pagkakita sa number, 467!
ako: "anong number na po ba ang tinatawag?"
manong: " hindi na kailangan yan, pumila ka na lang"
***at binigyan mo pa ako ng number kung hindi lang naman pala kailangan.
yun pala ay depende na sa precint mo kung kung number ba o pila na lang. pero meron pa din 8 minute limit at me special treatment sa mga senior citizens dahil hindi na nila kailangan pumila at diresto na sila sa loob ng voting precint.
hanep naman sa haba ng pila, tila blockbuster na ironman ang pipinilahan. dahil sa mahabang pila din sa precint ng magulang at kapatid ko ay minarapat na lang naming bumalik sa hapon. 3pm nang kami'y bumalik ngunit madami pa ring tao. yun pala ay dumadaan si Angelika Dela Cruz na sa iisang eskwelahan din bumoto. Opo, taga Malabon ako. Pagdaan niya ay tila nagdisperse na rallyista ang mga tao at iilan na lang ang totoong nakapila. YES, konti na lang dahil ang ibang precint ay jammed pack pa din. Bilib din ako sa staying powers nila at nagtiyaga talaga silang pumila sa gitna ng init ng araw at init ng ulo.
automated election vs mano-mano
first time voter ako noong 2004 kung saan mano-mano pa ang paraan ng pagboto. second time namang nitong 2010 kung saan ay automated na ang eleksyon. sa tingin ko, mas madali nga ang processo ng automated kesa sa mano-mano. mas madaling mag-shade kesa isulat ang pangalan ng kadidato mo. mas madali ang pagbilang gamit ang computer kesa sa hindi. mas mabilis ang resulta ngayon na isang araw pa lang ay mahigit 90% na ang nabibilang. sana man lang ay dinamihan pa ang mga machines para hindi nagsisiksikan ang mga botante sa iisang precint. naalala ko pa noon 2004, walang pila sa precint namin at diretso ako sa loob para bumoto. at sana man lang ay secured ang program pati na ang machine para wlang hacker ang mamamanipula ng mga resulta nito.
pangalawang beses ko na itong bumoto. nasabi ko dati na hindi na ako ulit boboto dahil isa ako sa mga nag-iisip na wala namang pagbabagong magaganap sa pinas kahit sino pa ang maging presidente nito. parang nagkatrauma yata sa unang pagboto na wala namang nangyari sa pinas o sadyang naghahangad lang ako ng mabilisang pagbabago. ngayong mayroon bagong halal na presidente, sana naman ay mabago ang aking pananaw at tuluyan maibalik ang nawalang pag-asa..
blog ng puyat.. puyat sa trabaho, puyat sa gimik. puyat sa outing, puyat sa bahay. puyat sa tulog, puyat sa kain, puyat sa lahat.. laging puyat, blog ng puyat, blogging puyat :)
followers
Wednesday, May 12, 2010
Sunday, May 2, 2010
IRON MAN 2
Puyat sa kakapanood ng movie..
April 30, unang showing day ng "Iron man 2" sa mga sinehan dito sa pinas kaya minarapat namin panoorin ito agad dahil isa ito sa pinakaabangang movie ko. As usual, puno nanaman ang malls dahil natapat pa ito sa Friday at payday pa. Talaga namang pinipilahan ang iron man.
The movie started with how Iron man bought peace worldwide making him popular and is proven when Tony Stark opens the Stark Expo, ang scene kung saan parang noontime show na may nagsasayawang babae. The US government wants the iron man suit for their own military use but Tony refuses having his rival Justin Hammer (who tries on recreating an iron man suit but fails) being humiliated on a Senate hearing. The arc reactor that Tony use to keep his heart beating is poisoning him due to its palladium content. Having done everything he could, Tony can't find a replacement and it slowly kills him. With that in mind, he made Pepper Potts the CEO of Stark Industries. This results in hiring Natalie Rushman who is played by Scarlett Johansson (kailangan ko siyang banggitin dahil ang ganda niya mula pa nun The Island). In a car race in Monaco, Tony came face-to-face with Ivan Vanko who created his own reactor improved with an electrical whip that cuts everything like a laser (astig! I also want one) but he was of course, defeated by iron man. Ivan is the son of Anton Vanko who collaborated with Tony's father, Howard Stark in designing the first arc reactor. With this incident, Hammer helps Vanko escape from prison so that he can create his own drones with Vanko's help but on one condition, "I want my burd!" as Ivan said referring to his pet bird in Russia.
And the movie continues on, ayoko na magkuwento, panoorin nyo na lang sa sine.
This sequel was even better than the first! Sobrang nagustuhan ko talaga at gusto ko pang ulitin on 3D, regular movie lang kasi yung pinanood namin and I think its better viewed on 3D. I really like the car race scene where Vanko slashed the racing cars, galing ng effects. And also the scene where Iron Man and War Machine are fighting the drones controlled by Vanko. Its pack with amazing fight scenes including Scarlett's moves as she disarmed guards and knocked them out in Hammer's facility, ang ganda niya talaga with that black tight-fitting suit (*drools*). The movie lasts for 2 hours pero hindi ko namalayan na ganoon pala kahaba ito dahil nabitin pa ako. In short, nag-enjoy akong kakapanood na hindi namalayan ang oras. It really is a fun movie because of the humors lalo na kapag si Robert Downey Jr. ang nagbitiw, tipong seryoso pero nagpapatawa na pala. Magaling din ang pagkakaportray ni Mickey Rourke as the villain na parang hippie-rockstar dahil sa buhok na me highlights at pulubi dahil sa maduming kuko. Don Cheadle replaces Terrence Howard from the first film as James Rhodes. I would say that its better to put Terrence back, not that I'm not impressed on how Cheadle acts but the role fits Terrence perfectly than Cheadle. At the end, sulit naman ang binayad mo sa ticket at uuwi kang nakasmile :)
My take on this: overall, the movie was great and it surpassed the first one. Kudos to IRON MAN 2! Two thumbs up!
Subscribe to:
Posts (Atom)