puyat sa eleksyon..
may 10, 2010 - ang kauna-unahang automated election sa pinas. bago pa man dumating ang araw na ito ay kung ano-anong kapalpakan na ang naganap na lalong nagpawala ng tiwala sa bagong sistemang ito. ngunit nasolusyunan din naman ito at sa wakas ay naidaos din ang makasaysayang automated election.
5 precints rolled into 1
ito ang dahilan kung bakit sobrang haba ng pila sa pagboto. tinatayang mayroon 200 registered voters sa isang precint. marahil sa limited PCOS machines ay pinagsama-sama na lang ang 5 precints, making it more than a thousand voters na magsisiksikan sa isang voting precint. ang solusyon nila: number system (kumuha ka ng number sa precint mo tapos hintayin mong matawag) at ang 8-minute limit sa bawat taong boboto. 10am kami pumunta sa school kung saan kami registered at talaga namang ang napakaraming taong gustong bumoto. dehydrated ka na sa init ng panahon, makipagsiksikan ka pa sa mga taong nakapila/nakatambay sa corridor habang inaalam mo ang precint number mo. buti na lang at nasabihan ako ng kapitbahay namin na parehong room kami sa bandang dulo. Dulo nga, kaya naman pawisan ako ng maabot ang voting precint ko.
ako: "kuya, penge po ng number"
nagulat sa pagkakita sa number, 467!
ako: "anong number na po ba ang tinatawag?"
manong: " hindi na kailangan yan, pumila ka na lang"
***at binigyan mo pa ako ng number kung hindi lang naman pala kailangan.
yun pala ay depende na sa precint mo kung kung number ba o pila na lang. pero meron pa din 8 minute limit at me special treatment sa mga senior citizens dahil hindi na nila kailangan pumila at diresto na sila sa loob ng voting precint.
hanep naman sa haba ng pila, tila blockbuster na ironman ang pipinilahan. dahil sa mahabang pila din sa precint ng magulang at kapatid ko ay minarapat na lang naming bumalik sa hapon. 3pm nang kami'y bumalik ngunit madami pa ring tao. yun pala ay dumadaan si Angelika Dela Cruz na sa iisang eskwelahan din bumoto. Opo, taga Malabon ako. Pagdaan niya ay tila nagdisperse na rallyista ang mga tao at iilan na lang ang totoong nakapila. YES, konti na lang dahil ang ibang precint ay jammed pack pa din. Bilib din ako sa staying powers nila at nagtiyaga talaga silang pumila sa gitna ng init ng araw at init ng ulo.
automated election vs mano-mano
first time voter ako noong 2004 kung saan mano-mano pa ang paraan ng pagboto. second time namang nitong 2010 kung saan ay automated na ang eleksyon. sa tingin ko, mas madali nga ang processo ng automated kesa sa mano-mano. mas madaling mag-shade kesa isulat ang pangalan ng kadidato mo. mas madali ang pagbilang gamit ang computer kesa sa hindi. mas mabilis ang resulta ngayon na isang araw pa lang ay mahigit 90% na ang nabibilang. sana man lang ay dinamihan pa ang mga machines para hindi nagsisiksikan ang mga botante sa iisang precint. naalala ko pa noon 2004, walang pila sa precint namin at diretso ako sa loob para bumoto. at sana man lang ay secured ang program pati na ang machine para wlang hacker ang mamamanipula ng mga resulta nito.
pangalawang beses ko na itong bumoto. nasabi ko dati na hindi na ako ulit boboto dahil isa ako sa mga nag-iisip na wala namang pagbabagong magaganap sa pinas kahit sino pa ang maging presidente nito. parang nagkatrauma yata sa unang pagboto na wala namang nangyari sa pinas o sadyang naghahangad lang ako ng mabilisang pagbabago. ngayong mayroon bagong halal na presidente, sana naman ay mabago ang aking pananaw at tuluyan maibalik ang nawalang pag-asa..
Hi Selina
ReplyDeletei am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.
You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.
I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com or whatsapp :- +2349058825081
Kumusta Selina
ako si Montoya Jazhel mula sa pilipinas, ako ay nasa malaking problema sa aking buhay sa pag-aasawa kaya nabasa ko ang iyong patotoo sa kung paano tulungan si Dr Ikhide na maibalik ang iyong asawa at sinabi kong susubukan ko ito at makipag-ugnay sa Dr Ikhide upang matulungan ako at nangako siyang tulungan ako na malulutas ang aking problema. ngayon masaya ako sa aking buhay dahil ang lahat ng aking mga problema ay tapos na. Salamat sa mahusay na Dr Ikhide para sa tulong at Salamat sa iyo Selina.
Maabot mo siya sa email na ito: - dr.ikhide@gmail.com at ipinapangako ko na hindi ka niya bibiguin.
AKO KAYA NAKAKITA …… tandaan dito ay ang kanyang email: - dr.ikhide@gmail.com or whatsapp :- +2349058825081