puyat kaya late ng naiblog ang paksang ito..
dahil sa ako ay isang pinoy, kailangan kong gawan ng blog ang makasaysayang pangyayaring ito. June 30, 2010 ng magkaroon ng bagong presidente ang pinas. namumpa bilang ika-15 na presidente si Noynoy Aquino. kasabay niyang nanumpa bilang bise presidente si Jejomar Binay.
kahit na dineklarang walang pasok nun araw na iyon, meron pa din akong pasok dahil mahal ko ang aking trabaho kaya hindi ko napanood ang mismong inagurasyon dahil kasaluyang nagtra-trabaho ako. tama, workaholic ako at gustong-gusto ko ang trabaho ko (pati sarili ko binobola ko na, hahahaha). wala akong napanood kaya wala akong kumento dito :D
sa balita sa TV ko lang nalaman ang lahat ng detalye ukol sa ating paksa: na naging simple ang okasyon (akala ko ito na ang bongang inagurasyon sa pinas dahil sa napakabusising preparasyon mula sa damit na susuotin hanggang sa gastos ng pagpapaganda ng lugar na pagdadausan), na huli dumating si binay (ang depensa niya, nauna lang si Noynoy), na sinusundo pala ng nakaupong presidente ng papalitan nito (ngayon ko lang nalaman na may ganito pala), na mayroon celebration concert si Noynoy sa QC circle (daming artista ang naging parte nito), at hindi dumalo si James Yap (showbiz!). marami pang ibang detalye ng inagurasyon ngunit ang mga nabanggit lang ang aking natandaan, pramis..
so far so good, yan ang masasabi kay Noynoy. kahit na mayroon maling memorandum sa unang araw ng kanyang pamamahala ay naiayos naman ito agad. apat na araw pa lang naman ang nakakalipas, tingin ko ay aayos din ang pinas sa ilalim ng pamumuno ni Noynoy. kahit na hindi siya ang binoto ko noong eleksyon (kay Gordon kasi ang boto ko), naniniwala pa din ako sa kakayanan niya at aahon pa din ang pinas (*cross-fingers*).
No comments:
Post a Comment